Back to Home



 

 

Hustisya para kay Pastor Isaias at sa lahat na biktima ng terorismo ng estado!

Mariing kinukondena ng Bagong Alyansang Makabayan Bikol, mga militanteng organisasyon at progresibong partylist ang paspaslang kay Pastor Isaias Sta Rosa ng mga elemento ng death squad ng Military Intelligence Battalion ng 9th Infantry Division Philippine Army.

Si Sta Rosa ay Pastor ng United Methodist Church (UMC) South Bicol District. Sa kasalukuyan, sya ay Executive Director ng Farmer’s Assistance for Rural Management Education and Rehabilitation Inc. isang Non-Government Organization na tumutulong sa mga magsasaka upang mapataas ang kanilang kabuhayan.

Matagal nang aktibo si Pastor Sta Rosa sa paglilingkod sa mga inaapi at pinagsasamantalahan mula pa sa kanyang pagkabata dahil ipinamulat sa kanya ng kanyang mga magulang na kapwa Pastor rin ng UMC.

1985 sya’y naging panrehiyong istap ng Kilusang Magbubukid ng Bikol hanggang maging Project Manager ng San Isidro Labrador Institute (SILI) isang NGO ng mga manggagawa sa kabikolan mula 1993-1995.

Hindi palaimik si Pastor Isaias, subalit malalim at matalinhaga ang kanyang mga binibitiwang mga salita sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. Mabuting ama si pastor sa kanyang 4 na supling na sina demdem (17), miko (14), Philip (9 special child) at karlo (5).

Agosto 3, bandang alas 8:00 ng gabi natapos ang kanyang buhay sa pamamagitan ng 6 na tama ng baril sa kanyang paa, hita at dibdib. Binaril sya ng mga elemento at death squad ng Military Intelligence Battalion sa ilalim ng 9th Infantry Division sa likuran (50 meters ang layo) ng kanilang bahay sa Brgy. Malobago, Daraga Albay.

Pahayag ng nakababatang kapatid

 Ayon kay Rey, nakababatang kapatid ng biktima, bandang alas 7:30 ng gabi ng Agosto 3, 2006, kadarating pa lang niya mula sa trabaho, akmang maghuhubad siya ang kanyang sapatos nang bigla na lamang siyang tutukan ng isang armadong lalaking nakabonet, pinadapa pati ang bunsong kapatid nilang si Owie at hinahanap ang pangalang  Elmer.  Sinabi nitong walang Elmer doon.  Si Owie ay tumingala, subalit pinukol siya ng dulo ng baril sa mukha, na tumama sa kanang bahagi ng kanyang kilay.  Kaya hindi na lamang umimik ang dalawa.

 Kinuha si Owie ng isang armadong nakabonet, tinutukan at pinakatok sa bahay ni Pastor Isaias. Ang bahay ng magkapatid na Rey at Owie ay 5 meters lamang ang pagitan sa bahay ng biktima.

 Pinagbuksan naman ni Sonia, (asawa ng biktima) ang bayaw.  Biglang pumasok ang 3 armadong nakabonet at pinadapa ang mag-iina (nasa kanilang salas ang mag-anak), samantalang biglang hinalbot si Ptr. Isaias at iniumpog sa upuang kawayan.  Ipinasok ang mag-iina sa silid ng mag-asawa, kasama si Owie, samantalang si Ptr. Isaias naman ay ipinasok sa silid ng panganay na anak nitong si Dem-dem.  Naririnig nila na ginigiit ng mga armado na siya si Elmer na pilit namang itinatanggi ni Isaias.  “ Tingnan ninyo ang aking ID, hindi ako si Elmer!”, pagpipilit na sabi ni Isaias.  Nakita ni Dem-dem ng talian nito ang ama, dahil pinapakalma niya ang kapatid na si Philip (special child) na naghuhumiyaw

 Nangpinapasok si Rey sa bahay, nagkasalubong sila ng kapatid na si Isaias na siya namang inilabas ng bahay.   Nakita niyang nakatali ng nylon wire ang mga kamay ng kapatid at duguan ang kamay.  Ipinasok din siya sa silid kasama ang iba pang kasambahay at isinara ang pinto. 

 Nakiramdam sila nang matantyang wala na sa loob ng bahay ang mga armado at si Isaias,  lumabas si Sonia at nagsisigaw sa mga kapitbahay para humingi ng tulong.  Kaagad namang nagresponde ang mga kapitbahay, maya’t maya nakarinig sila ng siyam (9) na putok. Magkakasama nilang tinuntun ang pinagmulan ng putok, at natagpuan nilang wala nang buhay si Isaias sa may ilog bandang likuran ng kanilang bahay na may tantyang layong 40-50 meters.  Nagtamo ito ng anim na tama, 1 sa paa, 2 sa hita at 3 sa dibdib.

 Malapit sa kinatagpuan kay Isaias, natagpuang ding patay ang isang lalaking nakabonet.  Nang sipatin ito ni Rey, at mga kabarangay, nakitaan nila ito ng ID ng Philippine Army na nagngangalang Corporal Roger Pastrana, malapit sa kanya ang isang kalibre 45 na may “silencer”.   Natagpuan din sa katawan nito ang cellphone ng anak ni Isaias na iniwan ng bata sa ilalim ng kanyang unan sa kwarto na kung saan ipinasok ang ama. Nakita rin kay Corporal Pastrana ang Mission Order na pirmado ni Major Earnest Mark Rosal ng Camp Martillana sa Pili Camarines Sur. 

 Ayon kay Rey mabilis ang pangyayari at tinatanya nilang 30 minuto lamang ang itinakbo ng pangyayari.  Kinuha sa kanila ang  5 cell phones, laptop computer, printer at bag ni Isaias na may lamang mga papel na may kaugnayan sa kanyang trabaho sa institusyon.

 Si Pastor Sta Rosa ay pang 104 na pinaslang sa ilalim ng pasistang rehimen ni Arroyo sa Bikol, pangawala sunod kay Rei Mon Guran ngayong linggo. Samantalang pang-720 pinaslang sa buong bansa.

Ptr. Isaias Martir ng Bayan! Hustisya para kay Isaias!

Hustisya sa lahat na biktima ng Terorismo ng Estado!

Gloria Arroyo Berdugo, PATALSIKIN!

 

 

Activist-pastor shot dead in Albay

By Ephraim Aguilar Inq7.net 10:12am (Mla time) August 6, 2006

 

KMP member slain in Albay

By Thea Alberto Inq7.net 18:14:20 (Mla time) August 04, 2006
 

 

 

 

Photos

 

 

Picket at Camp Simeon Ola, Legaspi City on August 7, 2006