|
|
| home | cases | archive | links | contact | rss |
Artwork
by CAP
![]() HUSTISYA! A video documentary ![]() Ompong Alvarado: A Tribute ![]() A Tribute to Cris www.arkibongbayan.org ![]() www.stopthekillings.org ![]() www.bayan.ph/bikol ![]() bikolxpress.wordpress.com |
Anti-Terrorism Act of
2007:
Gloria Arroyo’s Recipe of Undeclared Martial Law The Human Security Act of 2007 paves way on institutionalizing new face of state terrorism. This is a sugarcoated euphemism of a law whose ulterior motive is to preserve the present regime’s power. It also aims to further suppress the people’s movement for national liberation and democracy and the broad range of anti-fascist forces opposing the US-Arroyo regime, including the opposition, dissenters, and the independent media, even without declaring martial law. More Willy
Jerus, Pinaslang!
Abril 17, 2007 Isang buhay na naman ang kinitil kahapon [April 16, 2007] ng umaga, sa ilalim ng kontra-insurhensyang programa ng Oplan Bantay Laya II ng rehimeng Gloria Macapagal-Arroyo. Ang lugar na pinagyarihan ng pamamaslang ay katabi lang ng pansamantalang opisina ng Pamahalaang Lunsod ng Sorsogon. Si Willy Jerus, miyembro ng Samahang Magsasaka ng Sorsogon (SAMASOR-KMP) at BAYAN, ay binaril sa loob ng kanilang bakuran habang nagdidilig ng halaman. Ipinaaabot ng Bagong Alyansang Makabayan sa mamamayan ng Sorsogon ang mariing pagkondena nito sa walang katwiran at walang pakundangang pagpaslang kay Willy Jerus. Hinggil sa Pagpaslang kay Willy Jerus Paggadan
Kay Willy Jerus, Paggadan sa Kamawotan March 20, 2007 A new church people’s inter-faith fellowship called SIRUNGAN was successfully launched through Urulay sa Sirungan: A Regional Church People’s Conference on Extra-Judicial Killings held in the afternoon of March 17, 2007 at the Audio-Visual Room of Divine Word College of Legazpi. Sirungan is a regional Church people’s campaign in Bikol to provide sanctuary and extend its resources to the victims of extra-judicial killings and their families and relatives and other victims of human rights violations. However, seeing and feeling the realities of sowing fear, killings with impunity, and the government’s inaction the Church people cannot remain silent but must speak and cry out to heavens in solidarity with the persecuted people of God. Activity
Reflection on Urulay sa Sirungan: CEAL Statement Against Extra Judicial Killings Paglabag
Ng Militar Sa Karapatang Pang-Tao Sa Castilla, Napatunayan!
March
19, 2007 Malinaw pa sa sikat ng araw ang paglabag ng
militar sa
karapatang
pang-tao ng mga taga-Castilla ang napatunayan sa 2-araw na Fact-Finding
Mission (FFM) na isinagawa ng KARAPATAN-BIKOL. Mula sa inisyal na ulat
ng Karapatan-Sorsogon noong Pebrero 28, sa pagitan ng Enero hanggang
Pebrero 2007, naganap ang 4 na kaso ng sunud-sunod na pagpatay, 2 kaso
ng pagpapatiwakal dahil sa pressure mula sa militar, isang kaso ng
pagdukot, pambubugbog, pananakot at iba pang paglabag sa karapatang
pantao ng mamamayan sa Castilla.More Lider Estudyante sa Camarines
Norte,
Pinaslang
February 16, 2007 Kagabi Pebrero 15, bandang alas 9:45 pinaslang si Farly Alcantara II, 22 taong gulang sa labas ng kanilang paaralan sa Camarines Norte State College, sa Bayan ng Daet, nagtamo siya ng limang tama ng bala sa kanyang kaliwang sentido at namatay sa mismong pinangyarihan ng krimen. Si Alcantara ay dating tagapagsalita ng League of Filipino Students sa Camarines Norte at dating opisyal ng konseho ng nasabing kolehiyo. Siya ay magtatapos na sana ng kanyang kursong Business Administration major in Economics ngayong taon.Si Alcantara ang ika-apat na kabataang biktima ng pampulitikang pamamaslang sa Bicol. More RELATED
ARTICLES Matapos
ideklara ang Oplan Bantay Laya II
9 biktima mula sa Sorsogon at Albay ang pinaslang! January 24, 2006 Pagbungad pa lang ng unang buwan ng taong 2007, kaliwa’t kanan na ang pagpaslang sa mga aktibista, kasapi at simpatisador ng mga militanteng organisasyon at progresibong partylist na Bayan Muna sa rehiyong Bikol. More On
the killing of Bayan Muna leader in Bicol:
‘They’re Trying to Stop Us’ – Satur Alexander Martin Remollino Bulatlat The deputy minority leader at the lower House last week linked the recent killing of Rodolfo “Pong” Alvarado – leader of Bayan Muna (BM or People First) – in Ligao City, Albay to the government’s thrust to prevent the party-list group from winning seats in this year’s elections. “If they can’t have our party disqualified, they’ll do what they can to cripple it to prevent it,” said Bayan Muna Rep. Satur Ocampo in an interview with Bulatlat. More Regional
Project Officer ng Bayan Muna Bicol, Pinaslang!
RELATED
ARTICLES Pamamaslang: Pamaskong Handog
sa Mamamayan!
December 22, 2006 “Walang pagkain sa mesa, walang tirahan at kabuhayan sa araw ng kapaskuhan. Wala na ngang regalo, inaalisan pa ng karapatang mabuhay”. Kalunos-lunos ang kalagayan ng mamamayang Bikolano matapos ang bagyong Reming. Wala pa ring tirahan at pagkaing pagsasaluhan sa nalalapit na kapaskuhan. Pinalala pa ang ganitong kalagayan sa magkakasunod na kaso ng pagpaslang. More Political
Killings Intensify, Human Rights Lawyer
Killed
Marks 127th Victim in Bikol!
December 12, 2006 At 9:45 am today December ,12, 2006 Atty. Gil Gojol and his driver Danilo France were ambushed by motorcycle riding armed men aboard his service van from Gubat, Sorsogon after attending a court hearing. Both died on the spot and suffered several gunshot wounds. A day before, Crisanto Frivaldo, 35 y/o, law student of Aquinas University College of Law, was shot dead by gunmen wearing bonnet inside their house at San Julian, Irosin, Sorsogon. More RELATED
ARTICLES Pahayag ng Justice for
Pastor Isaias Sta. Rosa
Movement
September
12, 2006 Read Jariz
Vida, Inaresto!
Biktima ng Pandarahas at Panunupil ng Estado sa Kanyang mga Kritiko! Si Jariz Vida, Pankalahatang Kalihim ng Bayan Muna sa Camarines Sur ay hinuli sa loob mismo ng kanyang bahay kahapon (Linggo Agosto 27, 2006) matapos ang kanyang programang ”Pamana ng Lahi” sa DZGE isang istasyon ng radyo sa Canaman, Camarines Sur. More Linked Article: July 18, 2007 UPDATE Provincial Prosecutor finds "No Probably Cause" to indcit Hustisya para kay Pastor Isaias at sa lahat na biktima ng terorismo ng estado!
Si Sta Rosa ay Pastor ng United Methodist Church (UMC) South Bicol District. Sa kasalukuyan, sya ay Executive Director ng Farmer’s Assistance for Rural Management Education and Rehabilitation Inc. isang Non-Government Organization na tumutulong sa mga magsasaka upang mapataas ang kanilang kabuhayan. More
Probers tag soldiers in Albay pastor’s murder By Christian V. Esguerra, inq7.net 03:50am (Mla time) 08/31/2006
Rie Mon "Ambo" Guran is a
coordinator of the League of Filipino Students (LFS) in Albay and
spokesperson for the LFS in Aquinas University, Legaspi City. He was a
2nd year Political Science student. He was gunned down by elements of
the AFP on his way to school around 6 am, July 31. He was killed a day
after his 21st birthday. More
Families of victims of
abduction
and killing protest GMA's counter-insurgency campaign
We, the families of victims of abduction and killing protest the Arroyo government's counter-insurgency campaign. We are enraged not only because of the inaction of Mrs. Arroyo's government on what happened to our loved ones. We are enraged also because of the state-sponsored terrorism that is the precise term for the disappearances and killings committed against our people. More
Kinukundena ng Karapatan ang
Aksyong Militar at Paglabag sa Karapatang Pantao!
Hustisya at Imdemnipikasyon para sa Dalawang Biktima Mariing kinukondena ng Karapatan-Camarines Sur ang pagkakadamay sa dalawang (2) sibilyan sa nangyaring operasyong militar na nagresulta sa pagkamatay ni Dante Regachuelo at pagkakasugat kay Delvin Gudino. Si Dante Regachuelo ay tinamaan ng bala at namatay habang ito’y nagpapastol ng kanyang kabayo at maging ang kanyang kabayo ay namatay dahil sa tama ng bala, habang si Delvin Gudino naman ay nagpapastol ng kanilang kalabaw sa sapa malapit kung saan naganap ang engkwentro sa Sitio Kuluyan Uno, Barangay Hobo, Pasacao. Inamin ng mga kamag-anak nito na nadamay lamang ang kanilang kapamilya sa nangyaring engkwentro ng Philippine Army at New Peoples Army sa nabanggit na lugar at walang kinalaman sa paratang ng 42nd Infantry Battalion Philippine Army na ang mga ito diumano ay pawang mga miyembro ng NPA. Patuloy na idinidiin ng pamunuan ng 42nd IB Phil. Army na sangkot ito sa naganap na engkwentro kahit pa ang mga ito ay residente sa nasabing lugar. Bilang patunay, si Delvin ay kasalukuyang Youth President sa Sitio Kuluyan, Hobo, Pasacao at aktibong lumalahok sa Barangay tuwing may mga pasinaya. Samantalang si Dante naman ay anak ni Barangay Kagawad Eliseo Regachuelo sa nabanggit na Barangay, may-asawa at apat (4) na anak at naninirahan din sa Barangay Hobo, Pasacao. Nililinaw din ng mga kamag-anak ni Delvin na ito ay natatanging “Bread Winner” sa apat na magkakapatid bilang panganay sa mga ito, wala ng mga magulang at tanging inaaruga ng mga malalapit na kamag-anak sa Hobo, Pasacao. Binalewala din ng mga miyembro ng Philippine Army ang karapatan ng kamag-anak na ito’y mabisita sa Bicol Medical Center (BMC) habang ito ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas, hinarang ng mga elemento ng Philippine Army at hindi pinapasok ang kapatid nito kasama ang kanyang tiyahin kahapon, araw ng Martes, ika-11 ng Hulyo. Ito ay malinaw na halimbawa ng implementasyon ng “Oplan Bantay Laya” at pahayag ni DOJ Sec. Raul Gonzales na “Collateral Damage” na lamang ang bawat sibilyan ng magiging biktima ng walang pagsasaalang-alang na pamamaril na nagresulta ng kanilang maagang pagkamatay, at ang pagkasira ng mga kabuhayan ng mga di-tuwirang kasangkot sa digmaan, na marapat sanang pinuprotektahan ng mga Batas ng Digma Protocol 1 at 11 ng Geneva Convention at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).. Isang Bilyong Pisong pondo sa loob ng dalawang (2) taon laban sa insurhensya at todo-todong gera na maaaring magresulta sa pagkamatay ng libo-libong mamamayang itinuturing na “Collateral Damage” ng rehimeng Arroyo. Naniniwala ang Karapatan-Camarines Sur na may pananagutan ang militar sa kanilang akusasyon sa inosenteng sibilyang kanilang idinadawit at pilit na ginigipit sa kalagayang na sa BMC si Delvin na gina-gwardyahan ng militar. Nananawagan ang Karapatan, kamag-anak ng biktima at mamamayan para sa Hustisya at Imdemnipikasyon sa mga paglabag sa karapatang pantao na kinasangkutan ng mga elemento ng militar.
For Reference: When
a Long Search Is Never Over
Bulatlat July 9, 2006 The personal belongings of Rogelio Calubad and his son Gabriel have been packed inside a brown, traveling bag carried around by Rogelio’s wife Elizabeth. The two were abducted and have been missing since June 17, and Elizabeth admits that she is uncertain how long her search for her loved ones will take. More Calubad
family calls on the South Luzon Command
to immediately surface Rudy and Gabriel TEROR
Sa Sorsogon at Kabikulan
KR Guda Pinoy Weekly Online July 5, 2006 LEGAZPI CITY – Kung may malalaking sakuna, saka lamang nahehedlayn ang probinsiya ng Sorsogon sa Bikol — halimbawa, nang mag-alburoto ang bulkang Bulusan nitong Hunyo, na sanhi ng paglikas ng daan-daang residente ng mga bayan ng Casiguran, Irosin, Juban, Barcelona, Bulusan at Gubat. Tumampok rin sa balita ang pagsalakay ng mga tropang gobyerno sa ancestral house ng dating senador na si Gregorio Honasan sa Bulan, Sorsogon. Nag-alburoto ang angkan ni Gringo. “TAUMBAYAN ang gini-giyera ni Pangu-long Gloria Macapagal-Arroyo” nang iutos niya sa militar at pulisya ang pagdurog sa rebelyon ng NPA (New People’ Army) sa loob ng dalawang taon. Ang deklarasyon ay ginawa niya noong Hunyo 16, sa panrehiyong miting ng gabinete at regional development officers sa Cauayan City, Isabela. Nabalita ang Sorsogon dahil sa pagkalason ng karagatan nito. Ang itinuturong maysala — pagmimina ng Lafayette sa Rapu-Rapu, Albay. Nabalita ang pagkabimbin ng daan-daang pasahero patungong Visayas sa piyer ng Matnog, Sorsogon dahil sa bagyong Caloy noong Mayo. Hunyo 16, muling sumentro ang balita sa Sorsogon kaugnay ng deklarasyon ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo ng all-out war laban sa NPA (New People’s Army) at paglalaan niya ng P1B para dito. Tinukoy ng presidente ang probinsiya bilang isa sa tatlong priority areas ng todong gera. Ang dalawang iba pa ay ang Gitnang Luson at Timog Katagalugan. Kung paniniwalaan ang AFP (Armed Forces of the Philippines), isa ang Sorsogon sa mga probinsiya sa bansa na pinakamalakas ang NPA. Ngunit malakas din sa Sorsogon, kundi man sa buong Bikol, ang mga militanteng organisasyong masa na nagrarali ukol sa iba’t ibang isyu, nagsusulong ng mga pagbabago sa batas, naggigiit ng mga makabuluhang reporma. Sila ay hindi armado, sila ay karaniwang mamamayan. Sila, tulad ng naiulat ng PINOY WEEKLY sa Gitnang Luson at Timog Katagalugan nitong nakaraang isyu, ang lumalabas na puntirya ng all-out war ng gobyerno sa Sorsogon at sa buong Bikol. Pagdagsa ng Militar Tatlong araw matapos ang kontra-NPA na deklarasyon ni Macapagal-Arroyo, dumating sa Sorsogon ang karagdagang isang batalyon ng Philippine Army (PA) galing sa Mindanao. Mula noon, tuluy-tuloy na ang pagdagsa ng mga karagdagang sundalo sa probinsiya. Batay sa imbestigasyon ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) – Bikol, hindi lamang sa Sorsogon dumagsa ang mga tropang gobyerno, kundi sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Ngunit bago pa man ito, masasabing isa na ang Bikol sa pinakamilitarisadong rehiyon sa bansa. Sa Sorsogon na lamang, nakabase ang buong 2nd Infantry Battalion (PA) sa Anyog, Juban, na nagsasagawa ng regular na operasyong militar laban sa NPA. Nakatalaga rin sa probinsiya ang 22nd Special Forces na nakabase sa Gubat. Sa Camarines Sur, nakabase naman ang 9th Infantry Lancer Division sa kumand ni Maj. Gen. Ricardo Nobleza. Sa naturang probinsiya rin matatagpuan ang Kampo Martillana ng PA; at sa Albay, ang Kampo Simeon Ola, regional headquarters ng AFP sa buong rehiyon. Bakit Sorsogon? Bakit pinartikularisa ni Macapagal-Arroyo ang Sorsogon sa kanyang deklarasyon ng todong digma? Dahil kaya sa pagiging gateway nito sa Visayas at Mindanao? Dahil kaya sa teritoryo ito ng mahigpit niyang kalaban sa pulitika at oposisyonista, ang mga Escudero? O dahil ang Sorsogon ay kontra sa pagmimina ng Lafayette sa isla ng Rapu-Rapu sa Albay? Hindi matukoy ni Beverly Quintillan, tagapagsalita ng Bayan-Bikol, ang nag-iisang sagot sa tanong. Sabi niya, maaaring sama-sama na ang lahat ng nabanggit na dahilan. Tungkol sa Lafayette, may paliwanag siya. “Tutol sa Lafayette ang mayorya ng mga taga-Sorsogon, maging ang maraming lokal na opisyal at ‘yung nasa Sangguniang Panlalawigan. Idagdag pa ang mga taong simbahan na gaya ni Obispo Arturo Bastes.” Si Bastes ang pinuno ng Rapu-Rapu Fact-Finding Commission na nagrekomenda ng kanselasyon ng operasyon ng kumpanyang Australyano sa pagmimina. Panlima ang Lafayette sa Top 23 Priority Mining Projects ng gobyerno. “Pero sa malao’t madali, ang lima pang probinsiya ng Bikol, bukod sa Sorsogon, ang tatambakan ng puwersang anti-insurgency,” hinuha ni Quintillan. Panahon ng Lagim Binabalutan ng takot ang bawat barangay na may presensiya ng militar sa Sorsogon at sa Bikol. Bagaman wala pang naiuulat na pagtatayo ng detatsment sa mga barangay ng lungsod tulad ng nagaganap sa Gitnang Luson at Timog Katagalugan, malala ang pagtugis ng militar sa mga legal na aktibista. Sa buong rehiyon, naitala ng Karapatan ang 89 na kaso ng pampulitikang pamamaslang – mga aktibista, lider-militante o maging mga personalidad na inaakala ng militar na sumisimpatya sa mga progresibong organisasyon. Sa paglulunsad ng kampanyang “Stop the Killings!” noong nakaraang linggo sa Legazpi City, sinabi ni John Concepcion, tagapagsalita ng Karapatan sa rehiyon, na nakatala ang Bikol bilang isa sa may pinakamataas na rekord ng pamamaslang ng death squads na hinihinalang pakawala ng AFP. “Kakatwa, humihingi kami ng hustisya sa mismong gobyerno na posibleng maysala sa mga pagpatay. Pero naniniwala kami na responsabilidad nito na bigyang katarungan ang mga biktima at kaanak nila,” himutok ni Concepcion. Bukod sa pamamaslang, nagaganap rin ang kaliwa’t kanang pagdukot sa mga personalidad ng kilusang rebolusyonaryo, tulad ni Rogelio Calubad, pangunahing konsultant sa Bikol ng National Democratic Front of the Philippines sa peace talks nito sa gobyerno ng Pilipinas. (Basahin ang kaugnay na artikulo sa isyung ito.) “Magsisilbing tsapa ng military ang dalawang taong deklarasyon ng all-out war ni Arroyo upang bigyang matwid ang pamamaslang sa mga aktibista at iba pang kritiko ng administrasyon,” bigay-diin ni Jenelyn Nagrampa, panrehiyong tagapag-ugnay ng Bicolana-Gabriela, alyansa ng militanteng kababaihan sa Bikol. Ayon kay Nagrampa, lalong titindi ang paglabag sa mga karapatang pantao bunga ng deklarasyon. “Hagip nito ang kababaihan dahil sa halip na dagdagan ang badyet sa serbisyong pangkalusugan, mas dinagdagan pa ni Arroyo ang pambili ng mga bala at baril,” aniya. Sinabi naman ni Quintillan na bagaman tinukoy ni Arroyo ang Sorsogon bilang sentro ng giyera, “nararamdaman ng iba pang probinsiya ang hagupit ng pasismo.” Sa Camarines Sur, matapos ang deklarasyon, dama agad ang pinag-ibayong operasyong militar sa mga lokalidad, tulad ng mga munisipyo ng Bula, Baao, Iriga, Bato, Buhi, at ilang bahagi ng Sangay at Libmanan. “Katunayan, battalion operation ang ginagawa nila sa mga lugar na ito,” sabi ni Quintillan. Nakarating na rin sa Karapatan ang mga ulat na sa Barangay Tanag at Libmanan sa Camarines Sur, nagtayo na ng detatsment ang militar sa mismong mga barangay health center. Ang pangamba ay dama rin ng kabataan. Sa Bicol University, nagsalita ang isang estudyante, si Marites Lopez. Aniya, “Naangangamba kami. Baka gamitin ng pamahalaan ang deklarasyong ito upang lalong abusuhin ang mga sibilyan. Noon pa man, saksi ako sa ginagawang surveillance ng AFP sa aming paaralan. Sana, yung isang bilyong piso ay napunta na lang sa badyet ng mga state colleges and universities.” Hindi nawawala ang harassment ng militar, ani Quintillan. “Sinampahan na ng kasong kriminal sina Jariz Vida ng Bayan Muna-Camarines Sur at Eric Torrecampo ng Bayan-Camarines Sur.” Pagtutol sa Kabikulan Ayon sa Bayan-Bikol, “Ang deklarasyon ni Arroyo nitong Hunyo 16 ay bahagi ng pagtatakip sa isyu ng pandaraya sa eleksyon at sagad-sa-butong corruption ng kanyang administrasyon, laluna ngayong nakasampa na ang ikalawang impeachment laban sa kanya. Pang-divert ito sa isip ng tao, at pagsisikap para masanay sila sa mala-martial law na paraan sa pagsugpo sa militanteng kilusan. Kung giyera man ito laban sa NPA, giyera rin ito laban sa lahat ng kritiko ni Arroyo.” Sinabi pa ni Quintillan na sa maraming kaso, binubuhusan ng tropang militar ang mismong mga lugar na malakas ang mga militanteng grupo na tumutuligsa sa mga mapanirang korporasyong dayuhan. Sa ibang lugar naman, matindi ang militarisasyon upang protektahan ang lupain ng malalaking panginoong maylupa, tulad ng mga Imperial sa Albay, Fuentebella at Villafuerte sa Camarines Sur, Padilla at Kho sa Masbate at Berceles sa Catanduanes. Ito ang kalagayan sa sinapupunan ng matinding kahirapan sa rehiyon. Aminado mismo ang National Statistics Office ng gobyerno na isa ang Bikol sa 10 pinakamahirap na rehiyon sa bansa. Walumpung porsiyento ng mga Bikolano ay magsasakang di malaman kung paano tatawid sa gutom sa pana-panahon. “Nakakapagtaka pa ba kung bakit patuloy na lumalakas ang mga progresibong organisasyon sa kabila ng matinding militarisasyon? Patuloy silang kikilos kahit na may all-out war, dahil ang hangad ng sambayanang taga-Bikol, gaya ng buong sambayanang Pilipino, ay tunay na pagbabago,” sabi ni Quintillan. “At ang pagpapatalsik sa pekeng presidente ay bahagi ng tunay na pagbabago,” pagwawakas ng tagapagsalita ng Bayan-Bikol. on government operatives to surface missing relatives July 1, 2006 The human rights umbrella organization KARAPATAN scored the all-out war declaration of the sitting president Gloria Macapagal-Arroyo, saying it has all the more emboldened military operatives in violating the rights of Filipinos. "After Mrs. Arroyo announced an additional P1B budget for its all-out war against the New People's Army, several incidents not only of killings but of enforced disappearances occurred," said KARAPATAN Deputy Secretary General Jigs Clamor. More at the launching of Tigil-Paslang in UP Diliman June
27, 2006 Maricel Delen, wife of murder victim
Jayson Aldwin Delen of Brgy. Gubat, Daet, Camarines Norte, came to the
launching of Tigil-Paslang in UP Diliman. Delen was "militantly happy"
that the UP community has voiced out its opposition to the spate of
killings. "My husband's life was not only his but also of the people.
The Arroyo administration has no right to take that life, as well as
other lives," Delen lamented. June 25, 2006 In Legaspi City, a Stop the
Killings campaign organized by Karapatan-Bikol and supported by
Catholic, Protestant and militant groups and friends and relatives of
slain activists was launched on Friday.
The six-month campaign, which ends on Dec. 10, aims to strengthen the call for justice and to stop extrajudicial killings in the region and the country. John Concepcion, Karapatan-Bikol spokesperson, said the Bicol region suffered the most number of political killings - 89 of the some 600 cases happened in the region as of the last week of May - with the most recent incident the killing of former communist leader Sotero Llamas in Tabaco City. "It may really be an irony that we are now asking justice from the government, which we also have been pointing to as being the possible perpetrator of these killings. But we believe it is the government's responsibility to bring justice to the victims and their familities," Concepcion said. For the campaign, the relatives of slain activists, church people and human rights advocates will meet every third Saturday of the month in public places to protest the series of killings under the Arroyo administration. Quoted from From PDI Sunday, June 25, 2006 "CHR: Still no proof of death squads but..." Article by Norman Bordadora with Ephraim Aguilar, PDI Southern Luzon Bureau Bayan Muna deplores Sotero Llamas slay; 2006-05-29 Top Bayan Muna leaders today condemned the assassination of their former national political relations director who like the Batasan 6 was charged by the government for rebellion. Sotero Llamas was shot dead this morning by two motorcycle-riding assassins while driving his car in Barangay Taga in his hometown Tabaco, Albay. After serving as Bayan Muna’s national director for political relations in 2001-2003, Llamas left Bayan Muna in 2003 to prepare for a run for the Albay gubernatorial post under the ticket of opposition presidential candidate Panfilo Lacson. He lost in the polls. House Deputy Minority Leader and Bayan Muna President Satur Ocampo and Bayan Muna Secretary-General Nathanael Santiago, who like Llamas have been charged with rebellion before the Makati regional trial court, condemned the murder and warned that respondents in the rebellion case could be the next targets of political killings. “President Arroyo should realize that her silence over the murders of her perceived critics and her promotion of notorious rights violators are being interpreted as a blanket authority by the military to justify summary executions and extrajudicial killings. She will eventually be held accountable for all these dastardly crimes,” said Ocampo. Ocampo said Mrs. Arroyo should immediately form an independent Special Commission of Inquiry to probe the killings, a proposal contained in House Concurrent Resolution 1270 filed by six lawmakers. For his part, Santiago said that “Llamas’s killing is a travesty of justice. After the President, the Justice Secretary, the DOJ Prosecutors, and the National Security Adviser all prejudged our guilt, the roaming GMA death squads have killed one of our co-respondents. Lest we forget, another one, Philip Limjoco, was abducted.” “First, they prejudged us, now, they seem hell-bent in making the list of respondents a list of those next to be killed,” said Santiago. Santiago said that Llamas had been inactive in Bayan Muna and the legal Left since 2003. “The government and the military are really itching to jail and silence us, including even the politically-inactive Llamas in the rap sheet for rebellion. They have the strongest motive to silence and kill Llamas.” Prior to joining the legal Left, Llamas was a consultant of the National Democratic Front (NDF) negotiating panel, and a known New People’s Army leader under the pseudonym Kumander Nognog. Llamas was arrested in 1995 but was later released after the NDF asserted his immunity from arrest under of the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) between the government and the NDF. Bayan Muna WebsiteSorsogon Provincial Board Condemns
Political Killings
ANGEL AYALA Bulatlat 2006-05-08 The provincial board of Sorsogon (604 km. south of Manila), which is part of the Bicol region in southernmost Luzon, has condemned what it described as a spate of political killings in the said province. In a recently-passed resolution, the Sorsogon provincial board stated that the political killings in the said province have already reached "horrific proportions." They also stated that for the past few months, the series of unsolved killings in the province has "sent fear" among Sorsogueños, "whose character were inherently God-fearing and peace-loving and has been subsequently besmirched." They further said that whether those killings were motivated by political principles that call for reforms or otherwise, "The Sangguniang Panlalawigan of Sorsogon earnestly appeal (sic) to higher authorities and our brothers on the other side of the law to preserve peace and order in the province, and come up with more civil and agreeable terms for the general welfare of the our people," the resolution read. The pronouncement was that, if these senseless killing would continue, it will "concomitantly result in the retrogression of the social and economic well-being of the province and will damage whatever gains we have established." The human rights group Karapatan (Alliance for the Advancement of People's Rights) has recorded 26 cases of political killings in Sorsogon from 2001 to May 2006. The most recent incident was the brutal killing of barangay (village) chairman Neal Fulatan, a member of Bayan Muna (People First)-Irosin, Sorsogon chapter last May 9, 2005. He was shot dead while attending a concert in the barangay auditorium. Initial investigation revealed that a lone gunman wearing a hat and shirt shot Futalan at close range then escaped aboard a motorcycle. Fulatan suffered six gun shot wounds in different parts of his body. On March 19, Cris Hugo, a resident of Irosin and a regional coordinator of the League of Filipino Students (LFS) was also shot dead while on his way home to his boarding house and on January 30, Max Frivaldo, a municipal councilor of Irosin, chair of the committee on human rights and coordinator of Bayan Muna-Irosin was shot dead while tending to his baby at home. On Nov. 18, 2005 Ricardo "Ding" Uy, chairman of Bayan Muna's Sorsogon City chapter and president of Sorsogon Independent Media Reporters Inc was shot dead inside his rice mill. In a statement, Bayan Muna Sorsogon condemns the brutal killing of Neal Futalan and all the victims of human rights violation in the province. "Iisa ang mensaheng gustong ihatid sa atin ng nagpapatuloy na pamamaslang ng mga aktibistang miyembro ng progresibong party-list: ang patahimikin at wasakin ang ating nasimulang pagbabago sa pulitika. Ngunit nagkamali sila sa puntong ito. Higit na lalakas, lalawak at magpapatuloy ang anumang pagbabagong nasimulan ni Kasamang Neal Futalan" (The continued killings of activists belonging to progressive party-list groups have only one objective: to silence us and halt the changes we have started in politics. But they have made a mistake at this point. Any change begun by our comrade Neal Futalan can only further be strengthened, grow and continue.) Bulatlat Partylist accuses Oplan Bantay Laya responsible for deaths of 2 Bicol members
Bulatlat Abril 27, 2006 Two members of Bayan Muna Party-list (People First Party-list) in the Bicol Region, Jimmy Mirafuente and Jayson Delen, were killed on April 27 by unidentified men. Mirafuente, Bayan Muna member in Daraga Albay and a local peasant leader, was shot dead by five unidentified men at 9 a.m. while tending his farm. Forty-five minutes later, Delen, Bayan Muna-Camarines Norte secretary general, died while on board a tricycle after sustaining five gun shot wounds from two unidentified men on a motorcycle. "Inaakusahan namin ang gobyernong Macapagal-Arroyo bilang responsable sa pampulitikang asasinasyon at walang habas na tumutugis sa kasapi ng Bayan Muna at iba pang mga myembro ng progresibong organisasyon,"(We are accusing the Macapagal-Arroyo government as responsible for the political assassinations and persecution of members of Bayan Muna and other progressive organizations.) said Robert S.de Castro, Bayan Muna deputy secretary general. Ang militar, sa ilalim ng Oplan Bantay Laya, ang mga ahente na pinakawalan ni GMA upang paslangin ang mga aktibista na kasapi ng progresibong organisasyon at partido." (The military, under Oplan Bantay Laya, are agents unleashed by GMA to kill activist members of progressive organizations and parties.) De Castro said that "under the Oplan Bantay Laya, every Armed Forces of the Philippines command is encouraged to designate a separate and special military group to serve as liquidation squad, usually from the military intelligence group (MIG)." He added that these special groups were allegedly given three months to do target research or intelligence surveillance of sectoral organization, that should allegedly result to identified targets of every MIG. Mirafuente and Delen were the 562nd and 563rd progressive leader and activist killed since the Macapagal-Arroyo administration. Karapatan records showed 60 activists have been killed this year alone. Bulatlat Oplan Bantay Laya AFP Shooting Contest
Dalawang kasapi ng Bayan Muna pinatay sa Bikol Abril 27, 2006 Halos magkasunod na binaril at napatay ang dalawang myembro ng Bayan Muna sa Bicol Region kaninang umaga. Sa inisyal na ulat na natanggap ng Bayan Muna National Headquarters, binaril at napatay si Ka Jimmy Mirafuente bandang 9:00 ng umaga habang siya ay nasa sakahan. Tatlong tama ng bala sa ulo, leeg at didib Limang kalalakihan ang nakita ng ilang saksi ang tumakas matapos ang pamamaril. Si Ka Jim ay ang pangulo ng isang lokal na samahang maralita at kasapi ng Bayan Muna sa Daraga, Albay. Kasunod naman, bandang 9:45am ng binaril at napatay din si Kasamang Jayson Delen, pangkalahatang kalihim ng Bayan Muna Camarines Norte. Si Jayson ay nakasakay ng tricycle mula sa kanilang bahay nang barilin sa Lantana St. Brgy. Gubat, Daet, Camarines Norte. Limang tama ng bala tinamo. Dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiko ang nakita ng ilang saksi ang bumaril mula sa likurang bahagi ng tricycle. "Inaakusahan namin ang gobyernong Macapagal-Arroyo bilang responsable sa pampulitikang asasinasyon at walang habas na tumutugis sa kasapi ng Bayan Muna at iba pang mga myembro ng progresibong organisasyon. Ang militar, sa ilalim ng Oplan Bantay Laya, ang mga ahente na pinakawalan ni GMA upang paslangin ang mga aktibista na kasapi ng progresibong organisasyon at partido, ito ang pahayag ni Robert S. de Castro, deputy secretary general ng Bayan Muna. Umabot na 9 na Bayan muna ang pinatay ngayong taon lamang. Si Ka Jayson at Ka Jimi ay 86 at 87 Bayan Muna na pinatay mula Abril 2001, nang manungkulan si GMA. Sa loob ng isang linggo ay tatlo na ang pinapatay na kasapi ng progresibong paty list. Noong Sabado ay binaril at pinatay din ang isang myembro ng Bayan Muna Ka Marilou Rubio ng Gen Nakar, Quezon. Sila ay kabilang sa 556 myembro ng progresibong organisasyon na pinatay sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo. "Sa ilalim ng Oplan Bantay Laya hinihikayat ang bawat AFP command na magtalaga ng hiwalay at ispesyal na grupo ng militar para magsilbing liquidation squad na karaniwan ay mula sa military intelligence group o MIG.", ayon kay de Castro. " Binibigyan ng tatlong buwan bawat MIG na gumawa ng target research o intelligence psurveillance ng sectoral organization. Sa loob ng tatlong buwan kailangang magresulta ng identified target ang bawat MIG, dagdag pa ni de Castro. Ayon kay de Castro "sa Oplan Bantay Laya may quota ang bawat military intellignce command sa papataying mag aktibista. Parang may shoot and kill competition ang military command sa paramihan ng pinapatay na mga aktibista sa iba't-ibang probinsya". "Sasabog sa mukha ni GMA ang ginagawa nitong mala-Hitler na pasistang panunupil. Hindi mauubos ang Bayan Muna dahil hindi mauubos ang mamamayang nagnanais na patalsikin si GMA sa poder. Ang mga dugo ng mga martir ng sambayanan ay paninindigang magniningas sa daluyong ng pakikibaka para sa pagbabago.Tiyak ang katarungan dahil tiyak na tatalsik ang rehimeng Macapagal-Arroyo" , pagwawakas ni de Castro. Reference: Robert de Castro Deputy Secretary General, Bayan Muna 0916-2424591 |