Back to Home



 

  March 19, 2007
Pahayag sa Midya

Reference: John S. Concepcion
Karapatan-Bikol Spokesperson

Paglabag Ng Militar Sa Karapatang Pang-Tao Sa Castilla, Napatunayan!

Download the Fact Finding Mission Document here (PDF)

Malinaw pa sa sikat ng araw ang paglabag ng militar sa karapatang pang-tao ng mga taga-Castilla ang napatunayan sa 2-araw na Fact-Finding Mission (FFM) na isinagawa ng KARAPATAN-BIKOL. Mula sa inisyal na ulat ng Karapatan-Sorsogon noong Pebrero 28, sa pagitan ng Enero hanggang Pebrero 2007, naganap ang 4 na kaso ng sunud-sunod na pagpatay, 2 kaso ng pagpapatiwakal dahil sa pressure mula sa militar, isang kaso ng pagdukot, pambubugbog, pananakot at iba pang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan sa Castilla.

Maging ang 22-kataong Fact-Finding Mission Team (FFMT) ay nakaranas ng pangha-haras, pagbabanta, intimidasyon mula sa presensya ng militar habang nagsasagawa ng FFM. At maging ang mga sibilyan ay hindi makapagsalita o sadyang iniiba ang usapan kapag humalo ang militar sa FFMT at taong-barangay. Ito’y patotoo na labis ang takot ng mga tao kahit sa presensya pa lamang ng militar.

Sa nabanggit na FFM, napatunayan ang mga sumusunod na paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayan ng Castilla na isinasaad sa International Hunanitarian Law (IHL):

1. Coercion
2. Use of Public Places for Military Purposes and Endangerment of Civilians
3. Threat, Harassment, Intimidation
4. Unlawful, Unjustified, Arbitrary Subjecting to Checkpoints
5. Hamletting
6. Violation of Children’s Rights to Protection or Safety by the State or its Agent

Batay sa panayam at aktwal na obserbasyon sa galaw ng mga residente sa mga pinuntahang barangay, sapat ang paniniwala ng FFMT sa posibilidad ng matitinding paglabag laban sa karapatang pang-tao ng mga taga-Castilla tulad ng mga sumusunod:
1. Pagpatay
2. Destruction of Properties
3. Enforced Disappearance
4. Physical Assault
5. Illegal Arrest
6. Violation of the Right to Counsel
7. Violation of the Right to Presumption of Innocence or Against Public Condemnation/Trial By Publicity
8. Violation of Miranda Doctrine, and
9. Forcible Evacuation and Displacement


Mula sa ganitong kalagayan, hinihiling ang pormal at agarang imbestigasyon ng Commission of Human Rights sa mga nabanggit na paglabag. Hinihingi din ang kaakibat na imbestigasyon ng Committee on Human Rights ng Kongreso, Senado, Sangguniang Panglalawigan ng Sorsogon at Sangguniang Bayan ng Castilla at mga kaukulang aksyon laban sa mga sangkot. Hiling din ang kagyat na pagpapatigil sa mga tsekpoynts at paggamit sa sibilyan sa alinmang gawaing militar sa Castilla at ang kagyat na pagpapaalis sa mga militar para sa seguridad ng mga biktima at testigo sa mga insidente sa paglabag sa karapatang pantao.#